Halos P5-milyong halaga ng shabu na nakapaloob sa stuff toy, nasabat sa Pasay City

Pasay City – Aabot sa limang pisong halaga ng shabu na nasa stuff toy ang nasabat sa buy bust operation sa Edsa-Taft Avenue, sa Pasay City.

Nakuha ang stuff toy mula sa mag-asawang sina Ibrahim at Amina Kitok, residente ng Maharlika Village, Taguig City.

Ayon kay PDEA CALABARZON Regional Director Archie Grande, hiniwa ang orihinal na tahi ng stuff toy at tinanggal ang nakapaloob dito saka inilagay ang bulto-bultong kilo ng shabu.


Aniya, ito na ang ikalawang beses na nagsilbing courier ang mag-asawa sa halagang dalawang libong piso kada transaksyon.

Kinumpirma rin ni Grande na galing sa New Bilibid Prison ang nag-utos na i-deliver ang kontrabando.

Batay sa monitoring ng PDEA-CALABARZON, bumaba na ang presyo ng droga na ibig sabihin ay may supply na naman sa merkado.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments