HALOS P50-M HALAGA, NATANGGAP NG MGA TUPAD WORKERS SA CAGAYAN

Isang tseke na nagkakahalaga ng P47,400,000 para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), ang ipinasakamay sa Provincial Local Government ng Cagayan na ginanap sa Basa Hall ng Provincial government.

Ang nasabing halaga, ay ipapamahagi sa 27 na munisipalidad na may tinatayang 11, 256 na displaced workers sa lalawigan.

Kasama sa tseke ang mahigit P45,000,000 na halaga ng sahod para sa TUPAD, habang P630,840 naman para sa Government Service Insurance System (GSIS), at P1,800,000 naman para sa Personal Protective Equipment (PPE).

Samantala, ang mga munisipalidad na mabebenepisyuhan sa nasabing programa ay mula sa Abulug, Alcala, Allacapan, Amulung, Aparri, Baggao, Ballesteros, Buguey, Calayan, Camalaniugan, Claveria, Enrile, Iguig, Gattaran, Gonzaga, Lal-lo, Lasam, Pamplona, Peñablanca, Piat, Rizal, Sanchez Mira, Solana, Sta. Ana, Sta. Praxedes, Sta. Teresita, at Tuguegarao City.

Facebook Comments