Halos P50-M halaga ng cocaine bricks, narekober sa Dinagat Islands

Walong bricks ng cocaine na nagkakahalaga ng P46.6 million ang narekober ng pulisya sa karagatang sakop ng Dinagat Islands.

Ayon sa Caraga police, isang mangingisda ang nakakita sa cocaine na palutang-lutang malapit sa lighthouse sa munisipalidad ng Loreto.

Aniya, nakabalot ito sa transparent cellophane.


Ibinigay ng mangingisda ang cocaine sa isang barangay kagawad na ipinaalam naman sa mga tauhan ng Dinagat Islands Provincial Mobile Force.

Samatala, iniulat ng apat pang mangingisda na may nakita rin silang kahina-hinalang bagay na lumulutang sa dalampasigan sa parehong munisipalidad.

Kaagad na rumesponde ang Loreto Municipal Police Station at narekober ang pito pang bricks ng cocaine.

Hinikayat naman ni Caraga Police Director Brig. Gen. Gilberto Cruz ang mga residente na manatiling alerto at i-report sa otoridad ang anumang kahina-hinalang bagay na lumulutang sa karagatang sakop ng rehiyon.

Facebook Comments