
Tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P468 milyon na iba’t ibang ilegal na droga ang sinunog sa pamumuno ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-7 sa thermal facility ng Cebu Cosmopolitan Funeral Homes sa Lungsod ng Cebu.
Ito na ang pangatlong beses ngayong taon na sinunog ang mga nakumpiskang ilegal na droga sa ilalim ng liderato ni PDEA-7 Regional Director Joel Plaza.
Bago sinunog ang mga droga ay nagkaroon muna ng awarding ceremony sa ilalim ng Operation Private Eye kung saan apat na informants ang nabigyan ng cash reward dahil sa pagbibigay nito ng mahahalagang impormasyon na nagresulta sa matagumpay na major drug bust operations sa Lapu-Lapu City, Mandaue City, at Talisay City.
Ang aktibidad ay dinaluhan mismo ni Dangerous Drugs Board Secretary Oscar Valenzuela, PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, Cebu City Mayor Nestor Archival, at ibang mga opisyal sa Cebu.









