Halos P500,000 halaga ng marijuana na inilagay sa kahon ng kape, nakumpiska ng PNP sa Tabuk, Kalinga

Nakumpiska ng mga tauhan ng Tabuk PNP ang halos P500,000 halaga ng marijuana matapos tangkaing ipuslit sa Tabuk City, Kalinga.

Sa ulat mula sa Kalinga Police, bloke bloke ng marijuna na nakasilid sa kahon ng kape ang kanilang nadiskubre pasado alas-7:00 kagabi sa Bulanao, Tabuk City, Kalinga.

Ayon sa tauhan ng courier company, isang Daisy Palangdao ang magpapadala sana ng item.


Nang suriin dahil sa kahina-hinalang istura, bigla na lang napatakbo ang magpapadala ng item.

Agad naman na tumawag ang staff ng courier company sa mga pulis at base sa ginawang inventory ay aabot sa 4 na kilo ang bigat at P480,000 ang halaga ng marijuna.

Dahil hindi natapos ang pag fill out ng form, hindi nalagay ng sender ang pangalan at address ng tatanggap ng marijuana.

Sa pag-iimbestiga, lumalabas naman na dalawang beses na nagkaroon ng transaction ang babae sa courier company pero lumalabas na ito ay tunay na kape at ipinadala sa Pampanga at Metro Manila.

Facebook Comments