Patuloy sa pagbibigay ng ayuda ang pamahalaan sa mga kababayan nating naapektuhan ng sama ng panahon.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRMC), nakapagbigay na ang gobyerno ng kabuuang P49.6M na tulong sa mga apektadong residente.
Kabilang sa mga naipamahagi na ay ang family food packs, bottled water, sleeping kits, hygiene kits, hot meals, modular tent, assitance to individuals in crisis situation at iba pa.
Ayon pa sa NDRRMC, ang tulong ay naibigay sa mga apektadomg indibidwal mula sa MIMAROPA, Regions 5, 6, 7, 8, 9, 10,11 at CARAGA.
Sa pinakahuling tala ng NDRRMC, nasa kabuuang 130,844 na pamilya o katumbas ng mahigit kalahating milyong mga indibidwal ang naapektuhan ng sama ng panahom mula sa 914 na barangay sa mga nabanggit na rehiyon.