HALOS P5M, INILAAN PARA SA ROAD CONCRETING SA SAN ISIDRO, ISABELA

CAUAYAN CITY- Natapos na ang proyektong road concreting sa Brgy. Rizal East, San Isidro, Isabela.

Ang nasabing proyekto ay pormal na binuksan sa pangunguna ni 6th District Congressman Faustino “Inno” Dy V kasama ang DPWH, at mga Barangay Officials.

Ang road concreting na ito ay nagkakahalaga ng 4.9 milyong piso at ilan lamang ito sa mga pinasinayaan na proyekto sa nasabing distrito.


Samantala, taos pusong nagpapasalamat si Congressman Faustino “Inno” Dy V sa mga patuloy na sumusuporta sa kanyang mga programa at proyekto.

Facebook Comments