Halos P6-M halaga ng shabu, nasabat sa Pasay

24

Aabot sa P5.8 milyon na halaga ng shabu ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buy-bust operation sa Marina Way corner Seaside Boulevard Macapagal Avenue, Pasay City.

Naaresto naman ang suspek na nakilalang si Sarifi Uday Dumama, 32-anyos at residente ng Globo de Oro Street, Golden Mosque, Quiapo, Manila.


Ayon kay PDEA Regional Director III Adrian Alvariño, nakuha sa suspek ang 21 package ng hinihinalang shabu na may bigat na 1,000 na gramo.

Mahaharap naman Si Sarifi sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments

From Advertisers