Halos P60-M jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58, maswerteng maiuuwi ng isang mananaya

415

Solong maiuuwi ng isang mananaya ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), natumpak nito ang winning combination na 43-55-15-02-29-56.


Kaakibat nito ang tumataginting na ₱58,472,458 sa ginanap na draw kahapon (January 13).

Samantala, wala namang nakasungkit ng higit 18 milyong pisong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na may winning combination na 09-49-28-21-41-34.

Ang Ultra Lotto draw ang isinasagawa tuwing Linggo, Martes at Biyernes habang ang Super Lotto draw ay Linggo, Martes at Huwebes.

Facebook Comments

From Advertisers