Halos P60-M na jackpot prize sa Super Lotto 6/49, nasungkit ng isang mananaya

Hinakot ng isang mananaya ang jackpot prize ng Super Lotto 6/49 sa ginanap na draw kagabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), natumpak nito ang mga winning combination ay 28-24-26-18-22-19, kalakip ang premyong tumataginting na ₱58,865,965.

Pero sa 20% tax bunsod ng TRAIN Law, ang maiuuwi lamang ng winner ay sa ₱47,092,772.


Mayroon ding 29 na mag-uuwi ng consolation price na tig-21,990 pesos matapos makuha ng lima mula sa anim na digits.

Facebook Comments