Nakumpiska ng awtoridad sa loob lamang ng isang araw ang daan-daang libong halaga ng ilegal na droga sa Ilocos Region.
Umabot sa 85.70 na gramo na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng nasa P582, 764 ang nakuha mula sa mga drug suspects
Naisagawa ang magkakasunod na operasyon sa Aringay, La Union; Badoc, Ilocos Norte; Sta. Catalina, Ilocos Sur; at San Nicolas, Pangasinan.
Haharap ang mga naaresto sa kasong paglabag Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at nasa kustodiya na ang mga ito ng pulisya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









