
Nasa kabuuang P6,900,000 ang halaga ng Marijuana na sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Isinagawa ang Marijuana eradication sa large-scale Marijuana cultivation site na matatagpuan sa Barangay Loccong sa Tinglayan, Kalinga.
Sa isinagawang operasyon, umabot sa 34,500 na fully grown marijuana plants ang binunot ng PDEA sa 2,300 square meters na lupain.
Katuwang ng PDEA sa operasyon ang Region 2 Cagayan Provincial Office, PDEA CAR-Kalinga Provincial Office, Philippine National Police Drug Enforcement Group-Special Operations Unit CAR, 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company, Tinglayan Municipal Police Station AT Regional Mobile Force Battalion 2.
Facebook Comments









