Nasamsam ang daan-daang libong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Malasiqui, Pangasinan.
Naaresto ang dalawang drug suspects, isang 22 anyos na service crew at 48 anyos na tricycle driver, pawang mga residente sa bayan ng Mangaldan.
Nahulihan ang mga ito nasa isang daang gramo ng shabu at nagkakahalaga ng abot P680, 000, maging ang P500 at P12, 000 na boodle money.
Nasa kustodiya na ang mga ito ng pulisya at haharapin ang kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









