Nag-iwan ng halos P706 million na halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura ang bagyong Quinta.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), aabot sa kabuuang P705.87 million ang pinsalang naitala sa Ilocos Region, CALABARZON, Bicol Region, Western Visayas at Zamboanga Peninsula.
Beberipikahin pa ng DA ang nasabing report dahil una nang napaulat na pumalo sa P2.1 bilyon ang pinsalang iniwan ng bagyo sa sektor ng agrikultura sa Oriental Mindoro.
Kahapon ay nagdeklara na ng state of calamity ang pamahalaang panlalawigan ng Oriental Mindoro.
Samantala, aabot naman sa P58 million ang halaga ng naging pinsala ng bagyong Quinta sa mga tulay at kalsada.
Sa ngayon, hindi pa rin madaanan ang ilang bahagi ng CALABARZON, Misamis Oriental, Bukidnon-Agusan Road at Siloo-Bridge sa Barangay San Luis sa Malitbog, Bukidnon.