Halos P75-M halaga ng iligal na droga, nakumpiska ng PCG sa Sorsogon

Aabot sa halos P75 million na halaga ng iligal na droga ang nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Port of Matnog sa Sorsogon.

Sa ulat ng PCG, nakuha ang nasa 11 kilos ng hinihinalang droga at paraphernalia sa isang puting pick-up truck.

Nakatanggap ng impormasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Matnog tungkol sa sasakyang nagbibiyahe ng kontrabando kaya agad na rumesponde katuwang ang Coast Guard.

Sa isinagawang inspeksyon, positibong tinukoy ng mga narcotic detection dogs ang ilegal na droga sa loob ng sasakyan.

Naaresto ang dalawang suspek na 19 na taong gulang na lalaki mula Pualas, Lanao del Sur, at isang 34 anyos mula San Miguel, Manila.

Mahaharap ang mga ito sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa Coast Guard District Bicol, ang naturang operasyon ay malinaw na nagpapakita ng kahalagahan ng pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno para masugpo ang problema sa iligal na droga sa bansa.

Facebook Comments