Umabot sa halos pitong milyong piso ang kabuuang halaga ng mga nasabat na mga hinihinalang shabu at marijuana sa Ilocos Region nitong nakaraang buwan.
Sa tala ng Police Regional Office (PRO) 1, mula sa 106 na ikinasang operasyon, nasa 119 katao ang naarestong sangkot sa ilegal na droga.
Nasa 1, 022.74 gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska, at 42.85 gramo naman ng marijuana.
Samantala, Patuloy na pinalalawig ng kapulisan ang pwersa upang masugpo ang problema sa ipinagbabawal na droga. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










