Umabot sa halos siyam na milyong piso halaga ng marijuana ang nasabat ng awtoridad sa bisa search warrant sa Brgy. Ramot, Santol, La Union.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nakumpiska ang marijuana sa isang sasakyang inabandona ng dalawang high-value individuals sa ilegal na droga, at pawang mga residente sa Brgy. Sasaba sa bayan.
Tumitimbang ng hanggang 73 kilo ng dried marijuana leaves na nagkakahalaga ng P8, 760, 000, 00 ang Nakumpiska. Tukoy na ang mga suspek at pinaghahanap na rin ang mga ito.
Inihahanda na ng La Union Police Provincial Office ang kasong isasampa laban sa dalawa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments