Halos pisong bawas-singil sa kada kilowatt hour ng kuryente, ipatutupad ng Meralco ngayong buwan ng Abril

Sigurado ng ipatutupad ng Meralco ang halos pisong tapyas sa kada kilowatt hour na konsumo ng mga consumer.

Dahil dito, sinabi sa RMN Manila ni Meralco Head of Public Relations Claire Feliciano na halos ₱200 din ang bawas sa bill ng mga household na komokonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan.

Mararamdaman ang bawas sa bill ng kanilang mga kostumer ngayong Abril.


Samantala, hindi naman inaalis ng Meralco ang posibilidad na magkaroon pa rin ng dagdag sa singil ng kuryente sa mga susunod na buwan lalo na ngayong mainit ang panahon.

Facebook Comments