Halos pisong dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo – nakaamba sa susunod na Linggo

Manila, Philippines – Matapos ang konting rollback nitong Linggo, asahan naman ang halos pisong dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo.

Maglalaro sa P0.80 hanggang P0.90 ang price hike sa kada litro ng gasolina habang P0.70 hanggang P0.80 naman sa kerosene.

May dagdag ding P0.60 hanggang P0.70 sa presyo ng kada litro ng diesel.


Ang oil price hike ay bunsod ng pagtaas ng presyo ng imported na petrolyo sa world market.

Karaniwang nagpapatupad ng price adjustment sa araw ng Martes.

Facebook Comments