Nakatanggap ng financial assistance mula sa pamahalaan sa gitna ng pandemya ang halos pito sa bawat 10 Pilipino.
Batay sa 4th quarter 2020 survey ng Social Weather Stations (SWS), 69% ng Pamilyang Pilipino ang nakatanggap na ng COVID-19 cash aid.
Mababa ito kumpara sa 72% noong July 2020 at 71% noong September 2020.
Lumalabas na pitong porsyento ng pamilya ang nagsabing nakatanggap sila ng ayuda mula sa pribadong sektor.
Mayorya o 54% ang nagsabing nakatanggap lamang sila ng ayuda ng isang beses mula sa gobyerno habang 46% ang nagsabing dalawang beses silang nakatanggap ng ayuda.
Tinatayang nasa ₱8,970 ang average na financial assistance na natatanggap ng mga pamilya mula sa gobyerno habang ₱6,435 mula sa pribadong sektor.
Maraming pamiyla sa Metro Manila ang nakatanggap ng government cash assistance na nasa 83%, kasunod ang Balance Luzon (68%), Visayas (67%) at Mindanao (63%).
Ang non-commissioned survey ay isinagawa mula November 21 hanggang 25, 2020 sa 1,500 adult respondents sa buong bansa gamit ang face-to-face interviews.