Halos tatlong dekadang agawan ng Hacienda Tinang, natapos na

Naresolba na ang kaso nang pag-aagawan ng lupain sa Hacienda Tinang matapos ang 27 taon.

Ito ang inihayag ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado Estrella III sa press briefing sa Malakanyang.

Ayon sa kalihim sa simula pa lamang nang panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pinatutukan nito sa DAR ang mga nakabinbing mga kaso sa ahensya.


Naniniwala raw kasi ang pangulo na “justice delayed is justice denied.”

Kaya ayon kay Estrella na sa pamamagitan ng diplomasya at tuloy-tuloy na dayalogo sa mga stakeholders ay nagkaroon ng historic accomplishment patungkol sa pinag-aagawang lupain sa hacienda sa pagitan ng dalawang grupo ng mga magsasaka.

Final at executory na aniya ang desisyon ng korte dahil walang nag-apela at nagprotesta.

Dahil dito maipapamahagi na ang 450 mga titulo ng lupa sa 450 mga pamilya.

Facebook Comments