Ipinamahagi sa mga magsasaka sa bayan ng San Nicolas nasa halos tatlong libong mga certified hybrid seeds sa ilalim ng Masagana 200 Rice Program ng Department of Agriculture.
Ang mga benepisyaryo ng nasabing programa ay kabilang sa listahan ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA gayundin sa Rice Seed Monitoring System o RSMS
Nakatanggap ang mga magsasaka ng bayan ng 15/hectare of hybrid seeds depende pa sa sukat ng tinataniman bilang paghahanda na rin sa wet cropping season 2023.
Nakatanggap ang mga magsasaka ng bayan ng 15/hectare of hybrid seeds depende pa sa sukat ng tinataniman bilang paghahanda na rin sa wet cropping season 2023.
Malaking tulong naman ang naipamahaging mga palay dahil hindi lahat ng magsasaka ay nakakabili ng mga certified seeds dahil sa mahal na halaga nito.
Samantala, ang programang Masagana 200 Rice Program ng DA ay nakalaan para sa kapakanan ng mga magsasaka ng bansa na may layong mas palakasin ang halaga ng bigas at mas pagbutihin ang mga produksyon upang mas mapayabong ang sektor ng agrikultura. |ifmnews
Facebook Comments