Nasagip ang isang 2.48 meters rough-toothed dolphin matapos itong mapadpad sa mababaw na bahagi ng baybaying dagat sa barangay Hermosa sa Dasol, Pangasinan bandang 6:00 PM nitong Mayo 22.
Ang dolphin ay natagpuan ng mangingisda, Sotero Battle at Helmer Lomboy, na agad nanawagan ng tulong sa pagliligtas sa naturang marine mammal.
Agad na nirespondehan ng LGU- Dasol sa tulong ng kanilang mga kawani at ng Brgy. Council maging ang mga kapulisan upang mailigtas ito.
Dinala ang dolphin sa Regional Mariculture Techno-Demo Center o RMATDEC sa Alaminos City bandang 10:15 PM para sa karagdagang pagpapagamot at sa rehabilitasyon nito.
Sa una ay napagmasdan itong bahagyang nanghihina at hindi makalutang, mayroon itong mga pasa sa paligid ng katawan at may pagaling na sugat sa tiyan.
Pagkatapos ay nakipag-coordinate ang team sa Veterinarian ng City Government ng Alaminos City, na nagsagawa ng gastric intubation assessment at blood collection para matukoy ang pangkalahatang kondisyon ng dolphin.
Nasa maayos nang kalagayan ang malaking isdang ito ngunit patuloy pa rin itong inoobserbahan hanggang sa maibalik na ito sa kanyang natural na tirahan. |ifmnews
Facebook Comments