Halos tatlong milyon pisong halaga ng mga ari-arian, ninakaw ng isang kasambahay sa Caloocan City

Manila, Philippines – Aabot sa halos tatlong milyong piso halaga ang natangay ng isang kasambahay mula sa kaniyang employer sa Caloocan City.

Ayon sa complainant na si Arianne Luna, magdadalawang taon na sa Oktubre sa kanila ang kasambahay na si Myrna.

Aniya, tinaon ng suspek na nasa bakasyon sila nang nakawin nito ang cash, mga alahas at gadget ng kanilang pamilya.


Kinabukasan aniya matapos silang mapagnakawan, nagpost pa ng mga litrato ang suspek kasama ang kaniyang mga kamag-anak.

Kwento pa ni Luna, sinubukan nilang itext ang suspek ngunit pinagmumura lang sila nito.

Nagpaalala naman ang pulisya sa publiko na huwag agad magtitiwala sa mga bago lang nilang nakakasama.
DZXL558

Facebook Comments