Aabot sa 2.7 Million na mga Pilipino ang nakapagrehistro bilang botante sa huling voters registration period mula nitong Agosto hanggang Setyembre.
Sa datos mula sa Commission on Elections (COMELEC), nasa 2,799,644 na Pinoy ang registered na bilang botante.
Kabilang dito ang mga regular registrants at eligible voters para sa Sangguniang Kabataan Elections.
Mas maraming babae ang nagparehistro kumpara sa mga lalaki.
Ang Calabarzon ang may pinakamataas na bilang ng registrants na may 451,559 applications.
Matatandaang inaprubahan na ng Senado sa pinal na pagbasa ang panukalang nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na orihinal na isasagawa sa Mayo 2020.
Facebook Comments