Umabot na sa halos tatlong milyong manggagawa sa small business sector ang nakatanggap ng cash assistance sa ilalim ng Small Business Wage Subsidy program.
Sa ika-siyam na weekly report sa Kongreso, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakapagpalabas na ang pamahalaan ng ₱21.7 billion para sa 2,816,682 employees.
Katumbas ito ng 82.84% ng 3.4 million target beneficiaries mula nitong May 20.
Dagdag pa ni Pangulong Duterte, nasa 3.05 million applications ang naaprubahan na.
Ang 51 billion pesos financial assistance program ay layong makapagbigay ng 5,000 hanggang 8,000 pesos kada tranche sa bawat benepisyaryo, depende sa minimum wage levels sa kanilang rehiyon.
Ang payout schedule para sa unang tranche ay mula May 1 hanggang May 15, 2020.
Noong nakaraang linggo, sinabi ni Pangulong Duterte na inilipat ng Bureau of Treasury sa Development Bank of the Philippines (DBP) nitong May 13 ang natitirang ₱25.5 billion para sa pamamahagi ng ikalawang tranche mula May 16 hanggang 31.