Mayorya ng mga Pilipino ang nasisiyahan o Satisfied sa kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na Droga.
Base sa 3rd Quarter Survey ng Social Weather Stations (SWS), 79% ng mga Pilipino ang nagsabing satisfied sila sa giyera kontra droga, 15% ang hindi habang 6% ang undecided.
Katumbas ito ng Net Satisfaction ng +64 o ‘very good,’ mababa kumpara sa +70 o ‘excellent’ rating noong March at June 2019.
Ayon sa SWS, ang Net Satisfaction sa Anti-Illegal Drug Campaign ay nasa ‘Very Good’ hanggang ‘Excellent’ rating sa nakalipas na 12 survey rounds.
Lumabas din sa survey na 29% ng mga Pilipino ang nagsabing hindi nagsasabi ng totoo ang mga pulis kapag sinasabing napatay ang drug suspek dahil nanlaban sa pag-aresto, habang 26% ang naniniwalang nagsasabi ang mga pulis ng totoo.
Ang survey ay isinagawa mula Sept. 27 hanggang 30 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,800 adult respondents sa buong bansa.