Friday, February 6, 2026

HALOS ₱100K HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA SA ISANG LALAKI SA AGOO, LA UNION

Halos ₱100,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska mula sa isang 53-anyos na lalaki sa isinagawang implementasyon ng search warrant sa bayan ng Agoo, La Union noong Pebrero 5, 2026.

Kinilala ang suspek bilang isang lalaking itinuturing na high value individual (HVI), may-asawa, walang trabaho, at residente ng nasabing bayan.

Isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba ng kapulisan at ahensyang kontra-droga.

Sa operasyon, nasamsam mula sa suspek ang humigit-kumulang 14.7 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na ₱99,960.00, na nakapaloob sa anim na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet.

Bukod sa ilegal na droga, narekober din ang iba pang non-drug evidence kabilang ang isang metal box na naglalaman ng 28 piraso ng live ammunition o bala na may iba’t ibang kalibre, mga aluminum foil na may hinihinalang drug residue, at iba pang kagamitang pinaniniwalaang ginagamit sa ilegal na gawain.

Isinagawa ang on-site inventory at marking ng mga ebidensya sa presensya ng mga mandatory witnesses at ng suspek, alinsunod sa itinakdang proseso ng batas.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek at nahaharap sa kaukulang kaso kaugnay ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, gayundin sa Republic Act 10591.

Facebook Comments