Halos ₱2.00 taas-presyo sa kada litro ng gasolina, bubungad sa mga motorista ngayong unang linggo ng Agosto; diesel, may higit pisong dagdag din

Malakihang taas-presyo sa produktong petrolyo ang bubungad sa mga motorista ngayong unang linggo ng Agosto.
 
Batay sa abiso ng Seaoil at Shell, ₱1.90 ang increase sa kada litro ng gasolina.
 
₱1.20 naman sa diesel habang piso ang dagdag sa kada litro ng kerosene.
 
Kaparehong halaga rin ang oil price hike ng clean fuel maliban sa kerosene.
 
Habang ₱1.30 ang itataas sa gasoline ng Caltex, ₱0.90 sa diesel at ₱0.75 sa kanilang kerosene.
 
Ang malakihang taas presyo sa produktong petrolyo ay epektibo bukas ng umaga.

Facebook Comments