Timbog ang isang lalaking guro matapos mahulihan ng iligal na droga sa Barangay Pantal, Dagupan City.
Ayon sa awtoridad, nahulihan ng shabu at marijuana ang drug suspek itinago sa alyas na maestro na nagkakahalaga ng higit dalawang milyong piso.
Kasama rin sa mga narekober ang mga drug paraphernalia tulad ng plastic sachets, improvised burners, at timbangan.
Nahaharap sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









