Halos ₱900-M na halaga ng cocaine, narekober sa iba’t-ibang bahagi ng bansa

Manila, Philippines – Umabot na sa P872 milyon ang halaga ng mga narekober na cocaine mula sa iba’t-ibang parte ng bansa ngayong buwan.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Senior Superintendent Bernard Banac, aabot na sa mahigit 164 kilo ng cocaine ang narekober simula February 10.

Aniya, ikinokonsidera ng PNP na banta sa seguridad ng bansa ang paglutang at pagkakarekober sa kilu-kilong cocaine sa mga dalampasigan.


Maiko-konsidera rin aniya itong pagsakop sa bansa dahil sa malaya pagpasok ng iligal na droga sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Ani ni Banac, patuloy pa rin ang koordinasyon ng PNP sa Philippine Navy at Philippine Coast Guard (PCG) para magkaroon ng konkretong plano para tukuyin ang pinagmumulan ng mga cocaine.

Giit pa ni Banac, binabantayan na ng mga imbestigador ang posibleng pagkakasangkot ng ilang international drug syndicate hinggil rito.

Facebook Comments