Hamon na debate ng mga UP students sa mga top officials patungkol sa academic freedom, tinanggap ng PNP

Gusto ng Philippine National Police ang hamon ng University of the Philippines students- led institutions na mag debate kaugnay sa isyu sa academic freedom.

Ito ay matapos ang hamon na debate ng mga estudyante ng UP sa mga top officials sa bansa patungkol sa academic freedom.

Pero nilinaw ni PNP Spokesperson Police Brig. Gen. Bernard Banac na isang maayos na dayalogo ang gusto ng PNP.


Aniya walang intensyon ang PNP na panghimasukan ang academic freedom, ang panawagan aniya ng PNP ay magkaroon sila ng access sa mga school campuses.

Ito ay dahil naniniwala ang PNP na ang presensya ng mga pulis sa mga eskwelahan ay makakaiwas sa posibleng paghalo ng mga kriminal at mga terrorist elements sa mga estudyante.

Nais din ng PNP na mapag-usapan sa dayalogo ang peace and order, kriminalidad, illegal drugs at iba pang mga krimen na malimit nangyayari sa bansa.

Maging ang pagiging responsableng mamamayan, pagmamahal sa bayan at pamilya at iba pang usaping may kinalaman sa kapakanan ng mga kabataan.

Muling iginiit ni Banac na walang problema sa PNP ang student activism pero dapat aniya ay lahat ng aktibidad ng mga estudyante ay naaayon sa umiiral na batas dahil kung hindi, dito na papasok ang PNP.

Facebook Comments