Hamon ng digital gaming, tinutukan sa 1st AsPac Regulators’ Forum

Nagbigay si PAGCOR President at COO Wilma Eisma ng kanyang keynote address sa 1st Asia-Pacific Regulators’ Forum noong Setyembre 11 sa Newport World Resorts.

Nagtipon sa Maynila nitong Huwebes ang mga gaming regulator mula sa iba’t ibang
bansa sa Asia-Pacific sa kauna-unahang Asia-Pacific Regulators’ Forum upang
talakayin ang mabilis na pagbabago sa digital gaming.

Sa kanyang keynote address, sinabi ni PAGCOR President at COO Wilma Eisma na
bagama’t magkakaiba ang laki at antas ng pag-unlad ng mga gaming jurisdiction sa
rehiyon, magkakatulad ang hinaharap nilang mga hamon gaya ng cross-border
transactions, mabilis na digitalization, at balanseng pagtutok sa kita ng ekonomiya at
pananagutan sa lipunan.

“In the Philippines, electronic gaming has become a significant growth driver and
PAGCOR has responded with initiatives that ensure accountability, security, and
consumer protection while allowing the industry to thrive responsibly,” ani Eisma.
Gayunman, sinabi ng opisyal na sinusubok ng digitalization, remote gaming at mga
bagong platform ang nakasanayang sistema ng regulasyon.

Nagbigay si PAGCOR President at COO Wilma Eisma ng kanyang keynote address
sa 1st Asia-Pacific Regulators’ Forum noong Setyembre 11 sa Newport World
Resorts.

“By exchanging best practices, aligning responsible standards, and keeping pace
with innovation, we can ensure that the region’s gaming industry grows not just in
size but in trust, resilience, and sustainability,” dagdag niya.

Ipinunto ni Eisma na nagpatupad na ang PAGCOR ng mga reporma gaya ng mas
mahigpit na advertising rules, mas matibay na financial safeguards, at pinalawak na
responsible gaming programs. Pero, aniya, ang mas malaking hamon ay kung
paano sasabay sa mabilis na paglawig ng online at remote gaming.

Umaasa naman si Eisma na magiging taunang plataporma para sa tuloy-tuloy na
dayalogo ang Regulators’ Forum, na magkakaroon ng mas malaking edisyon sa
2026.

Kasama ni PAGCOR President at COO Wilma T. Eisma sa 1st Asia-Pacific
Regulators’ Forum noong Huwebes, Setyembre 11, sina (mula kaliwa) IAG Vice
Chairman at CEO Andrew Scott at PAGCOR SVP for land-based operations
licensing and regulatory group na si Daniel C. Cecilio.

“I am confident that this Regulators’ Forum will evolve into a hub for knowledge,
collaboration and shared commitment. Together, let us set the tone for gaming
regulation in Asia: one that is innovative, collaborative and firmly anchored on
integrity,” sabi pa niya.

Ang pagtitipon, na inorganisa ng PAGCOR at Inside Asian Gaming (IAG) at ginanap
sa Newport World Resorts, ay dinaluhan ng mga regulators, operators at iba pang
stakeholders mula sa iba’t ibang bansa para pag-usapan ang player protection,
financial integrity at kinabukasan ng gaming regulation.

Facebook Comments