Matapos ang hiling na ipa-ban ang ‘Amatz’ ni Shanti Dope, hinamon naman ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino ang rapper na sumulat ng kanta tungkol sa war on drugs ng gobyerno.
Kamakailan lang, nagpahayag ang PDEA na nais isulong pag-ban ng nasabing kanta sa national television dahil umano hinihikayat nito ang paggamit ng marijuana. (Basahin: PDEA, nais i-ban ang ‘Amatz’ ni Shanti Dope)
“Sana makagawa siya ng music naman na ito’y aligned sa war on drugs natin. Mas makakabuti sana na gumawa siya ng kanta para sa mga kabataan na hindi nagpo-promote na something bad,” ani Aquino sa isang panayam sa CNN Philippines, Lunes.
Nanindigan si Aquino sa interpretasyon nito sa kanta, kahit na itinanggi ito ng ahensya ni Shanti Dope at sinabing tungkol ang kanta sa pagiging ‘high’ sa music.
“We are dealing with the illegal drugs holistically. Eh hindi lang pwede ‘yung supply reduction, ‘di lang pwedeng demand reduction, mayroon ding harm reduction—and this form part of our harm reduction,” aniya sa kanta ng rapper.