Sinagot ni Senador Manny Pacquiao ang banat ni Floyd Mayweather Jr. kaugnay sa paratang nitong nagagamit ang kanyang pangalan tuwing may laban si Pacman.
Buwelta ng mambabatas, magtuos ulit sila ni Mayweather sa boxing ring.
.@FloydMayweather You come to my fight and then use my name in a post but I’m the one that is trying to stay relevant? 🤔 if you want to be relevant again… #MayPac2
— Manny Pacquiao (@MannyPacquiao) July 24, 2019
“You come to my fight and then use my name in a post but I’m the one that is trying to stay relevant? “if you want to be relevant again… #MayPac2,” ani Pacquiao sa kanyang Twitter account.
Sa Instagram post ni Mayweather nitong Miyerkules, makikita ang dalawang litrato kung saan tinamaan niya ng suntok sa mukha si Pacman.
Ayon kay Mayweather, “ironic” para sa kanya ang ginagawa ng media na dinadamay o isinusunod ang pangalan nito tuwing binanggit si ‘Pambansang Kamao’.
Giit ng Amerikanong boksingero, siya ang dahilan bakit nagkaroon ng legacy at career si Pacquiao.
“This man’s entire legacy and career has been built off its association with my name and it’s about time you all stop using my brand for clout chasing and clickbait and let that man’s name hold weight of its own,” caption na isinulat ni Mayweather.
Matatandaang sinabi nito na malabong maganap ang rematch dahil masaya na ito sa pagreretiro niya.
Para kay Pacquiao, kampante siyang mababasag ang zero loss record ng boksingero kung sakaling matuloy ang rematch.