Hamon ni Panelo kay Sen. Imee Marcos, magsampa ng impeachment complaint kay PBBM kung talagang seryoso ang suporta sa mga Duterte

Magsampa ng impeachment complaint laban sa kapatid.

‘Yan ang hamon ni dating Chief Presidential Legal Counsel at kilalang kaalyado ng mga Duterte na si Atty. Salvador Panelo kay Senator Imee Marcos.

Tugon yan ni Panelo kasunod ng ikinasang pagdinig ng Senado sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte noong March 11.


Sa forum ng Meet the Manila Press kanina, sinabi ni Panelo na kung talagang sincere ito sa pagsuporta sa mga Duterte at naniniwala na may mali sa pag-aresto ay dapat magsampa siya mismo ng reklamo laban sa kapatid na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Kitang-kita rin naman aniya sa mga video ang mga mali ng gobyerno sa paraan ng pag-aresto sa dating pangulo.

Kahapon, inanunsiyo rin ng senadora ang kaniyang pagkalas sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas Senatorial slate ng administrasyon.

Sabi ni Panelo, gusto lang umanong makuha ni Marcos ang suporta ng mga tagasuporta ni Duterte upang umangat sa survey.

Facebook Comments