Manila, Philippines – Hanap butas nalang ang mga kritiko sa pagbanat kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang sinabi ng Malacañang sa paguugnay ng mga kritiko ng Adminsitarsyon sa viral video ni Congressman John Bertiz sa istilo ng pamamalakad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bansa.
Sinabi kasi ng mga kritiko na ito ay repleksyon ng uri ng Pamumuno ni Pangulong Duterte kaya ganito ang asal ang mga kaalyado nito sa pulitika.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, walang katotohanan ang paratang na ito dahil kailanman ay hindi niya sinuway ang mga panuntunan sa airport gayong halos araw araw siyang nasa airport.
Ang paratang aniya ng mga kritiko ng Administrasyon ay paghahanap lamang ng butas laban kay Pangulong Duterte dahil wala nang bagong maibanat ang mga ito kaya pilit na idinidikit ang issue nas kinasasangkutan ni congressman Bertiz kay Pangulong Duterte.
Ibinida din naman ni Roque na hindi naman nagtatagumpay ang mga kritiko ni Pangulong Duterte sa paninira dito dahil mayorya parin ng ating mga kababayan ang nagpapakit ng suporta sa Pangulo.