Hanay ng AFP nanatiling propesyunal at hindi magaaklas laban sa Administrasyong Duterte

Kumpyansa ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na tapat sa konstitusyon at propesyunal ang kanilang hanay.

 

Ginawa ng AFP ang pagtiyak matapos ang pakiusap  ni Pangulong Rodrigo Duterte sa AFP at Philippine National Police na huwag bubuo ng anumang pagaaklas laban sa kanya.

 

Ayon kay AFP Spokesperson Brig Gen Edgard Arevalo natuto na ang hanay ng AFP sa nakalipas na pagaaklas kaya hindi na ito mauulit.


 

Aniya ang patuloy na modernisasyon sa AFP, pagtaas ng sweldo ng mga sundalo at mga benepisyong natatangap ng mga sundalo katulad ng pabahay ang dahilan kaya patuloy nilang gagawin ang kanilang mandatong protektahan ang sambayanan.

 

Sinabi pa ni Arevalo, ano pa ba ang hihilingin ng mga sundalo sa Pangulo na nagpapakita ng malasakit sa mga sundalo.

Facebook Comments