Nangako ang hanay ng Communist Party of the Philippines (CPP) na hindi nila gagambalain ang delivery ng mga COVID-19 vaccines sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
Kasunod na rin ito ng pakiusap ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi sa nalalapit na pagdating ng mga bakuna sa Pilipinas.
Pero kondisyon ng hanay ng NPA, huwag gumamit ng military vehicles, at dapat ipaubaya ang pagde-deliver ng bakuna sa Philippine Red Cross (PRC) o iba pang civilian humanitarian agencies.
Habang kinakailangan din anilang ang mga gagamiting sasakyan ay markado ng PRC para hindi mapagkamalang military vehicle.
Matatandaang sa susunod na linggo, inaasahang darating na sa bansa ang unang batch ng bakuna na ituturok sa medical frontliners at iba pang nasa prayoridad ng listahan.