Isang online meeting ang isinagawa ng hanay ng kapulisan sa pangunguna ng kanilang PIO kasama ang mga Radio Broadcasters at Journalists sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa naturang online meeting, tinalakay ang tungkol sa pagkakaroon ng mga Radio Broadcasters at mga Journalists ng mas maayos na seguridad para sa kanilang kaligtasan bilang mamamahayag sa lalawigan.
Kamakailan kasi ay mayroong Radio Broadcaster mula sa Calapan City, Oriental Mindoro ang pinatay ng isang riding in tandem kung kaya’t ang hanay ng kapulisan ay nabahala at agad na umalerto upang magbigay ng mas mahigpit na seguridad at kaligtasan sa mga mamamahayag sa lalawigan naman ng Pangasinan.
Suhestiyon ng ilang mamamahayag, magkaroon umano sana ng hotline o mobile number na designated lamang para sa mga mamamahayag upang tawagan nang sa gayon ay masagot agad kung sakali man sila ay nakakaramdam ng panganib.
Kinonsidera naman ng hanay ng kapulisan ang suhestiyon na ito at nagbigay ng paalala sa mga mamamahayag na kung sakali man na sila ay nakakatanggap ng death threats, stalking, at blackmailing ay maaaring isangguni ito sa kanila agad nang sa gayon ay kanilang maaksyunan at mabigyan ng agarang security.
Bukod pa riyan ay nagbigay rin ng kanya kanyang opinyon at payo ang bawat Radio Broadcasters at Journalists sa isat-isa lalo na sa paghahayag ng kanilang saloobin mapa-on air man sa radio o hindi kaya mga nilalaman ng mga artikulong kanilang inilalabas.

Facebook Comments