HANAY NG KAPULISAN SA LINGAYEN, UNA SA REGION 1 UNIT PERFORMANCE EVALUATION RATING

Mula sa ika-apatnapu’t apat na pwesto sa buong lalawigan noong Abril ay nagkamit ngayon ng 98.86% na marka para sa buwan ng Mayo ang Lingayen PNP sa isinagawang Region 1 Unit Performance Evaluation Rating o (UPER).
Nito lamang hunyo ay binigyan ng parangal ang Lingayen PNP ng Pangasinan Provincial Police Office (PPO) dahil sa nakitaan ang kanilang hanay ng mga batayan upang mabigyan sila ng ganitong klaseng parangal magmula sa Operations, Investigations, Intelligence, at Police Community Relation Activities.
Ang PNP Lingayen kasi ay naglunsad ng isang programang “Oplan Limpyu” kung saan layon nito palawigin ang pagsulong ng Anti-Criminal at Environmental Friendly Campaign nang sa gayon ay tuluyan na mapuksa ang ano pa mang krimen at mga illegal na gawain na laganap sa bayan at pati na rin ang pagsasaayos ng kapaligiran.

Ang naturang parangal naman ay malaking indikasyon umano ng maayos na pamamalakad ng hanay ng kapulisan sa bayan kung saan mayroong dedikasyon, propesyonalismo at katapatan sa paglilingkod. |ifmnews
Facebook Comments