Patuloy ang panawagan ng ilang labor at medical group na ibigay ang nararapat para sa mga healthcare frontliners sa bansa na mas apektado ng COVID-19.
Kapwa iginiit ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) at Medical Action Group (MAG) na mayroong pondo para sa ayuda at pambili ng medical supplies ngunit hindi nakakarating sa tao dahil na rin ng korupsyon at kapabayaan ng administrasyon.
Ayon sa grupo, ramdam sa buong mundo ang hagupit ng COVID-19 pandemic, ngunit hindi dapat gawing palusot ito ng Duterte Administration kaugnay sa kanilang kapalpakan sa nararanasang virus surge sa Pilipinas.
Iba’t ibang trade union workers din ang nagsama sama para wakasan na ang Duterte era kasunud ng inaasahang pagtakbo sa 2022 presidential election ni Davao City Mayor Sara Duterte.
Iginiit ng grupong Alliance of Labor Leaders for Leni Robredo at labor agenda na hindi na papayagan ng taumbayan na ipagpatuloy ang nangyayaring kapalpakan sa gobyerno.