Hanay ng PNP, hindi nagpa-planong mag-aklas laban sa administrasyong Duterte

 

Tiniyak ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na walang nagpa-plano ng pag-aaklas laban sa administrasyong Duterte sa hanay ng Philippine National Police.

 

Ang pagtiyak ay ginawa ni Albayalde matapos ang pakiusap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP at Armed Forces of the Philippines na huwag bubuo ng anumang pag-aaklas laban sa kanya.

 

Ayon kay Albayalde, sinisiguro niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na wala sa hanay ng PNP ang nagpapa-plano ng  pag-aaklas laban sa Pangulo.


 

Aniya hindi nya alam kung saan nanggaling ang impormasyon ng pangulo pero marami aniyang source of information ang Pangulo para sabihin niyang may namumuong pag-aaklas.

 

Dagdag pa ni Albayalde, naniniwala siyang hindi magmumula sa hanay ng PNP at AFP ang anumang mga pag-aaklas laban sa Pangulo.

Facebook Comments