Hanay ng PNP, nagdadalamhati rin sa pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino

Nakikiramay ang buong hanay ng Philippine National Police (PNP) sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar ipinapaabot nya sa pamilya Aquino ang taos pusong pakikiramay mula sa 220,000 strong force ng PNP.

Aniya, sa liderato ni dating Pangulong Noynoy Aquino nagkaroon ng magandang pagbabago sa operational capability ng national police force upang mas lalong makapagsilbi sa Filipino at mapanatili ang peace and order sa bansa.


Samantala, una na ring nagpaabot ng pakikiramay ang hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamilya Aquino.

Iniutos ni AFP Chief of Staff General Cirilito Sobejana na ilagay sa half-mast ang bandila sa mga kampo ng militar sa buong bansa bilang pagluluksa sa pagkamatay ng dati nilang Commander-in-Chief.

Facebook Comments