Hanay ng PNP, nagluluksa rin sa pagkamatay ng mga sundalong sakay ng bumagsak na C-130 Military aircraft sa Sulu

Nagpahayag na rin ng pakikiluksa ang hanay ng Philippine National Police (PNP) sa pagpanaw ng mga sundalo matapos na bumagsak ang kanilang sinasakyang C130 military aircraft sa Patikul, Sulu.

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, hindi lang pagkakaibigan kundi magkakapatid ang turingan ng mga sundalo at pulis para lamang magampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin na magkaroon ng pangmatagalang kapayaan at pag-unlad sa Sulu at iba pang conflict areas sa Mindanao.

Nalulungkot din aniya ang buong hanay ng PNP sa pangyayari ito kung saan maraming sundalo ang namatay at ilang sibilyan.


Nagpaabot naman ng pakikiramay si Eleazar sa pamilya ng mga nasawi.

Sa ngayon ayon kay Eleazar, inatasan niya na ang Regional Director ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region na makipag-ugnayan sa AFP para sa mga kakailanganing tulong kaugnay sa ginagawang search and rescue operation.

Habang inutusan rin niya ang kanyang mga tauhan na alamin kung ilang mga sibilyang residente sa lugar ang naapektuhan ng trahedya.

Facebook Comments