Hanay ng PNP nanatiling nCoV free

Wala ni-isa sa mahigit na 200,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Non-Uniformed Personnel ang naapektuhan ng 2019 novel coronavirus o nCoV.

Sinabi ito ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa sa harap nang ginagawa pagtulong ng mga pulis sa precautionary measures ng gobyerno kontra nCoV.

Masaya si Gamboa, na hanggang ngayon ay wala pa sa kanilang hanay ang nakikitaan ng mga sintomas ng nCoV.


Sa harap ito ng patuloy na pagbabantay ng kanilang mga tauhan sa health service sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

Matapos na gawing quarantine facility ang Athlete’s Village doon.

Una nito ay ibinida ng PNP ang kanilang mga kagamitan na maaring gamitin kontra sa paglaganap ng nCoV sa bansa.

Facebook Comments