HANAY NG POSD CAUAYAN, HANDA NA SA BRIGADA ESKWELA

Cauayan City – Nakahanda na ang hanay ng Public Order and Safety Division (POSD) na tumulong sa nalalapit na pagsisimula ng Brigada Eskwela sa lungsod ng Cauayan.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay POSD Chief Pilarito Malillin, nakatanggap na sila ng request mula sa iba’t-ibang mga paaralan sa lungsod, kaugnay sa gagawing Brigada Eskwela ngayong School Year 2024-2025.

Aniya, bagama’t aktibo ang hanay ng POSD sa pagtulong sa mga paaralan, hindi nila hinahayaan na maaapektuhan ang kanilang operasyon at paghahatid serbisyo sa lungsod ng Cauayan.


Dagdag pa ni Chief Malillin, nararapat lamang na paghandaan ng maigi ang preparasyon sa muling pagbubukas ng eskwelahan upang masiguro ang maayos, malinis, at ligtas na kapaligiran para sa mga estudyante.

Facebook Comments