Manila, Philippines – Agad binatikos ng transport group na Alliance of Transport Operators Drivers Association of the Philippines ang hiling ni Majority House Speaker Rudy Fariñas na immunity ng mga kongresista sa traffic rules.
Ayon kay Boy Vargas, presidente ng grupo – dapat mahiya ang mga mambabatas dahil naturingan silang tagapagpatibay ng batas ngunit sila mismo ay ayaw magpasakop dito.
Sa gitna naman ng panukalang ito ni Fariñas, hiniling naman nila Navotas Rep. Toby Tiangco at Marikina Rep. Miro Quimbo na tanggalin na ang special protocol plate number 8 ng mga kongresista.
Paliwanag ng dalawang mambabatas, hindi na dapat na magkaroon ng ibang pagtrato sa kanilang mga kongresista kumpara sa ibang motorista.
Maaari rin din daw kasing samantalahin o magamit ng masasamang loob ang plakang otso lalo pa’t imposibleng masiguro ng traffic enforcer kung lehitimong kongresista ang lahat ng nakikitang gumagamit nito sa lansangan.