Manila, Philippines – Naka-alerto na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang paghahanda sa mga pag-atake ng rebeldeng New People’s Army (NPA).
Matatandaang inatake ng NPA ang military at police detachments sa Bicol Region.
Ayon kay AFP Chief of Staff, General Benjamin Madrigal – inatasan na niya ang mga military units na maging alerto.
Nakipag-coordinate na rin ang AFP sa PNP para paigtingin ang seguridad sa mga government installations.
Bagama’t maaring uri lang ng harassment ang ginagawa ng NPA, hindi magpapakampante ang gobyerno.
Bago ito, inatasan ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison ang NPA na magsagawa ng malawakang opensiba laban sa gobyerno.
Nakatakda sa December 26 ng founding anniversary ng CPP.
Facebook Comments