HANDA | Anumang desisyon ng Korte Suprema sa quo warranto petition, tatanggapin ni CJ Sereno

Manila, Philippines – Nakahanda si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa kung anuman ang kahihinatnan ng quo warranto petition laban sa kanya.

Sa interview ng RMN DZXL Manila Atty. Carlo Cruz, tagapagsalita ni Sereno, Sinabi niyang tatanggapin at susundin ng Chief Justice ang magiging desisyon ng Korte Suprema.

Ayon kay Atty. Cruz, sakali man na hindi umayon sa kanila ang panahon, ay “taas-noo” na aalis ang punong mahistrado.


Pero, naniniwala ang kampo ni Sereno na mananaig pa rin ang katotohanan.

Aminado ito na nakakabahala ang susunod na scenario kapag tuluyang napatalsik ang punong mahistrado.

sabi pa ni Cruz, tapos na ang paghahanda ni CJ Sereno para harapin ang Senado na tatayong impeachment court.

Kahapon, nagbalik trabaho si Sereno sa Korte Suprema matapos ang dalawang buwang wellness leave.

Facebook Comments